Tuesday 12th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

NADADALA na raw kunin ng mga concert producer ang isang mahusay na male singer kahit ubod pa siya ng galing.

Paano’y nagiging problema rito ang pagiging unprofessional.

“Biro mo, noong kasama pa siya sa isang malaking show sa isang resort and casino, eh, ang call time niya ay 1:00 p.m. para sa rehersal. Hulaan mo kung anong oras dumating ang lolo mo? Alas siyete na ng gabi! Naloka ang buong production staff sa kanya!”

May mga reklamo rin sa singer ukol sa TF nito. “’Yung tatlo pa niyang kasama, eh, binayaran ng talent fee na hindi naman dehado. Pero ang lolo mo, may-I-hirit pa ng additional.

Para wala na lang isyu, pumayag naman ang produ sa presyo niya ng hindi alam ng tatlong co-performers niya, ha?

Pero tinaasan na’t lahat ang TF niya, hindi pa siya umayos sa work attitude niya, puwes, tsinugi na lang siya sa show…mag-show siya mag-isa!”

(Krissy Dimayuga)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..