Wednesday 18th October 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

HINDI kuwestiyon ang husay ng morenang aktres na ito subalit marami ang na-turn-off minsang nakita nila kung paano pakitunguhan nito ang ina.

Ayon sa mga nakakita, nag-guest ang hitad sa isang programa na habang hinihintay kung kailan siya isasalang ay karay-karay ang madir na bitbit ang kanyang mga gamit.

May hiningi raw itong bagay sa ina na sinagot naman nitong naiwan sa kotse. Pero hindi pa natatapos sabihin ng ina na naiwan ang hinahanap na gamit ay agad itong sumagot ng, “Ikaw talaga, ang tanga-tanga mo! Hampasin kita ng brush diyan, eh!”

Ikinagulat iyon ng mga taong naroroon at nagkatinginan na hindi makapaniwalang ganoon kung pakitungan ng aktres ang ina. (Krissy Dimayuga)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..