Tuesday 12th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Isang aktres ang itsinika sa amin ng matinik kong barakong spy. Ayon sa aking informant, noong bago-bago pa lang ito sa mundo ng showbiz ay iisipin mo talagang hindi ito makabasag-pinggan kumbaga, o mahinhin ang image niya.

Pero nang lumaon na raw ay lumabas talaga ang tunay na kulay ng naturang aktres.

“Nang baguhan pa lang ang aktres na ito, napapaniwala niya ang mga tao na may pagka-manang siya. As in, makaluma or old fashion. Kasi naman, ang mga damit ni aktres-bukod sa hindi mo masisilip ang cleavage niya, mahaba rin ito at nakatakip talaga hanggang tuhod.

“Ang naturang aktres ay hindi rin pala-gimmick at mas gusto nitong nasa bahay lang daw kapag walang shooting. Kapag sa interview naman sa press, lagi niyang sinasabi na wala siyang time sa love life dahil sa kanyang career ang focus niya.

“Pero, front niya lang pala iyon dahil nasa loob pala ang kulo ng aktres na ito!” mahabang kuwento ng aking spy.

Patuloy pa niya, “Nang nalaman ko ang totoo, para palang gabi sa kakatihan ang aktres na iyan. Bukod kasi sa nagkaroon na pala ng BF na dating actor, nakipag relasyon din siya sa isang baguhang actor na dyowa na ng isang mayamang businesswoman.

“Siyempre pa, nang nagkabukingan na, walang mukhang maipakita ang mahinhin kunong aktres na nasa loob pala ang kulo!” Nakatawang wika pa ng aking source.

Dagdag pa niya, “Kaya hayun, ang ending ay nabuntisan siya nang wala sa oras. Actually, expected na naman ito sa tipo ng mga ganyang aktres!

“Ang naturang aktres ay produkto ng isang reality show. Anyway, basta ang masasabi ko na lang, ngayon ay walang dudang may-K ang babaeng ito kung pagpapa-sexy lang ang pag-uusapan.”

‘Yun na! (Ni: Tsikadorang Spy)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..