Wednesday 18th October 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Plastikada pala sa fans ang isang sweet na aktres! Akala mo ay hindi makabasag pinggan sa maamo niyang mukha ang aktres na ito at hindi mo iisipin na may pagkamaldita rin pala ito.

Ayon sa aming informer, siya mismo ang nakakita kung gaano ka-epal ang aktres na ito. “Naku, grabe pala ang ugali ng babaeng iyan! Sa taping kasi ng soap opra nila sa isang major TV network, somewhere in Rizal, maraming fans niya ang na-turn off sa ugali ng aktres na ito.

“Narinig ko kasi mismo iyan sa ilang fans na nandoon sa naturan taping. ‘Napaka suplada pala niyang si ——-, ayaw makipag selfie at napaka-arte na akala mo kung sinong sikat!’ Iyan ang isa lang sa reaksiyon ng fan dahl sa kaartehan ni aktres.

“Ayaw niyang magpa-selfie sa mga fans na nandoon at ayaw man lang makipagkamay sa fans. Sabi pa ng iba, halata raw na umiiwas si aktres sa mga fans na nandoon. Lagi pa raw nagtatakip ng towel na hindi mo tuloy alam kung takot sa araw o para hindi siya mapansin ng fans na nakiki-usyoso sa taping nila,” kuwento ng aming source.

“Ang the height pa ng kamalditahan ng aktes na iyan, bukod sa nakaismid kapag may fans na gustong lumapit sa kanya, sa kanilang tent ay laging naka-ready iyong PA niya sa hawak na alcogel at pabango. Na akala mo ay mga yagit at taong grasa ang fans na gustong lumapit sa kanya! Nakakalokah talaga siya!”

Huling litanya pa ng aming source, “If I know, alam naman niyang impostor lang siya at hindi talaga siya sikat! Either umaarte lang o papansin lang ang peg niya dahil feeling sikat lang talaga ang hitad!”

Yun na! (Ni: Tsikadorang Spy)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..