Wednesday 18th October 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Umarangkada na naman ang pagiging mahadera ng aking matinik na spy. Ganado kasi siyang nagkuwento ukol sa sexcapades ng isang actor at sexy actress. Nangyari raw ito sa ginagawang project ng dalawa.

Kuwento ng aming informer, “Matagal nang nababalita na may relasyon itong si actor at si sexy actress, pero siyempre ay pabulong lang itong pinag-uusapan sa apat na sulok ng showbiz. Ang rason?!! Kasi ay may asawa na si actor, kaya patago ang relasyon nila.

“Pero I swear, marami nang tsika ang nagkokompirma na may lihim na relasyon nga si aktor at si aktres. Pero dahil nakakatunog na ang misis ni actor, medyo nag-lie low ang mag-sing-irog na involve sa bawal na pag-ibig!”

Patuloy na tsika pa ng aming spy.

“Kilala kasing mahilig sa babae itong si actor, kaya ala-Jaworski kung magbantay ang kumander niya. Pero dahil mahilig talagang tumikim ng espeysal na bibingka itong si actor, kaya nakakalusot pa rin siya sa kanyang misis at nakakapambabae pa rin.

“Kumbaga, ang drama ni actor ay business with pleasure!

“Korak ka dyan ateh! Sa shooting ng isang project niya, sumimple si actor at ang sexy actress na nagpunta sa parang motor home yata ang tawag! Bale, iyon ang gamit ni actor at doon na nga gumawa ng milagro ang dalawa.

“Naloka ang ilang mga tao sa paligid ng naturang motor home, para kasing yumuyugyog ito at sa bandang huli ay para nang nililindol ito! Hahahaha! Ang pootah, nag-quickie pala ang dalawa sa sasakyan ni actor, dahil di na siguro nakatiis ang dalawa dahil matagal nang hindi nagkakatikiman! Hahaha!” Nakatawang kuwento ng aming spy.

Patuloy pa niya, “Pero ang the height ng tsikang ito, dahil nga nahalata ng ibang tao sa paligid ang naganap na milagro o instant quickie sa masukal na bahagi ng location nila, nag-give raw ng datungs si actor para wa sila ispluk sa naganap na lampungan ng kanilang bawal na pag-ibig ang mag-sing-irog! Hahahaha!”

Ayon pa sa aming source, ang actor ay hindi na aktibo ngayon sa showbiz, samantalang si sexy actress ay namamayagpag pa rin ang malalaking boobs sa kanyang mga project!

Yun na! (Ni: Tsikadorang Spy)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..