Tuesday 12th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Isang aktres na napapabalitang may pagka-lukring ang madalas maispatang nag-a-outing na mag-isa sa ilang resort sa Zambales.

Paborito raw hang-out ng aktres ang mga resort sa Zambales kaya kapag nakakaramdam ito ng pagka-lungkot ay may I call siya sa kanyang contact na taga-showbiz din para i-book siya sa magagandang resort sa Zambales.

Ayon sa contact ng aktres na ating source, mag-isa lang daw ito na nagpupunta sa resort. Walang karay-karay na sinumang miyembro ng pamilya at kaibigan kundi isang aso lamang ang bitbit niya.

Ang doggie raw na pet ng aktres ang tangi nito kasama sa kanyang pananatili sa resort.

Bagama’t doggie lamang ang kasama ng aktres sa pag-tsi-check-in ay nagiging problema ito ng mga staff ng resort dahil wala raw itong pakialam sa paglulublob sa pool na kasama ang kanyang doggie.

Kaya ang ibang customer ng resort ay hindi makaligo sa pool dahil pinaglubluban na nilang mag-amo.

Malinis naman ang doggie ng aktres, pero ayon sa ilang parukyano ng resort, hindi nila pinangarap lumublob sa pool kasabay ang ng isang doggie.

Hindi naman masita ng resort owner si aktres dahil may pagka-lukring at takot na baka sirain ang kanilang negosyo sa kanyang mga kapwa artista na madalas ding nagpupunta sa nasabing resort.

(Edna Charum)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..