Sunday 22nd October 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


Bibirit ang multi-medalist ng WCOPA (World Championship Of Performing Arts) na si Daryl Reynes sa August 30 para sa “Musicali3 (M2M2M) sa Zirkoh , Tomas Morato. Tampok din dito ang tatlong M na sina Michael Pangilinan, Marlo Mortel at Marion Aunor.

2014 nu’ng manalo siya sa WCOPA na kung saan ay gold medalist siya sa Pop category, Classical at Group , sa Open category naman ay silver, bronze naman sa Gospel at Contemporary,
Tinapos muna ni Daryl ang kanyang pag-aaral at nagtapos ng kursong nursing. Tapos, binalikan niya ang kanyang hilig sa musika.Passion niya kasi ang pagkanta.

“Parang masaya pong mag-serve sa mga tao kahit hindi ko kilala.kasi pag nursing, ikaw ‘yung mabait sa pasyente pero somehow, may kulang po sa akin. Lumalabas po talaga ‘yung pagiging singer ko,” deklara niya.

Ang genre ni Daryl ay kumbinasyon ng Pop, RNB,Soul, hugot at contemporary
Nu’ng bata pa si Daryl ay sobrang mahiyain daw siya at sobrang bagsak ang confidence level niya. Tapos nu’ng high school daw siya ay may kaklase siyang nakarinig sa boses niya at in-encourage siya na sumali sa choir.

Nanalaytay rin ang dugo niya sa musika dahil parehong kumakanta ang parents niya. Bukod dito, kamag-anak din niya si Manilyn Reynes.
Lumaki si Daryl sa Angeles City.

Loveless daw siya ngayon dahil lagi siyang bumabagsak pagdating sa aspetong ito. Bukod doon, sobrang blessed daw siya.

Anyway, bukod sa manager ni Daryl na si Kate Roderiguess sinusuportahan din si Daryl ng Global friends ni Tita Merly Perigrino. Merong meet and greet si Daryl sa Music Box, Timog Ave., QC sa August 27, 7PM kasabay ng launching ng kanyang single .

Of course, mapapanood din ng live si Daryl sa August 30 sa Zirkoh, Tomas Morato, 9PM na kung saan ay kasama rin ang Charity Diva na si Token Lizares, magpapainit naman sa mga kalalakihan ang HOT GIRLS. Pagpapantasyahan naman ang PRETTY GIRLS. May pasabog din ang Birit King na si Lemuel Santos at ang LS Band. Nandiyan din ang halimaw sa entablado na si Ryan Tamondong under Star Music. Si Ryan ay Grand Prix Champion ng EUROPOP sa Berlin Germany. Pasasayahin din tayo ng Hugot King na si Kiel Alo. Patatawanin naman tayo nina Tuod at Alwina. May pasabog naman ang The Voice finalist at Star Music Recording Artist na si Natsumi Saito. Pakikiligin naman tayo ni Yna Uy na produkto ng Master Showman, ang Comic Diva na si Maricar Aragon, ang Internet Heartthrob na si Klinton Start, ang Internet Sensation na si J-NISSI ELISHA, ang guwapong si Patrick Alvarez, ang Ivory Recording Artist na si Lara Lisondra at ang nagbabalik sa pagkanta na si Marc Cubales.

Ang major sponsor ng birthday show ng inyong lingkod ay ang pilantropo na si GENESIS . Maraming salamat din sa BEAUTEDERM ni Ms. Reí Ramos Anicoche Tan , BRANDS ‘R US ni Atty. Jocelyn P. Castaneda. Aficionado Germany Perfume , Nail Talk and Beauty Spa , GlutaMAX, Nice Day Coffee, Erase Plantcenta, Club One 690, Genesis Gallios, Becky Aguila, Ms. Jackie Dayoha, Carina C. Martinez, Zachary Barlahan at Dr. Ramon Arnold Ramos. Katuwang sa direksyon si Leklek Tumalad.

Kumpletos rekados ang show na ito kaya tumawag na sa 09053595091 para sa ibang detalye. (ROLDAN CASTRO)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..