Wednesday 13th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


Kasama ang kanyang mister na si ‘Queen for Seven Days’ actor Lee Dong Gun, ipinakita na ng aktres na si Jo Yoon Hee ang kanyang baby bump.

Ang mag-asawa ay dumalo kamakailan sa isang jewelry brand event sa Shinsegae Mall sa Gangnam. Kapwa naka-black formal attire ang mag-asawa kung saan hindi na maitago ang baby bump ni Joo Yoon Hee sa kanyang black gown.

Nitong May 2017, ini-annouce ni Lee Dong Gun, kasama rin sa mga nagbida sa popular series na ‘Lovers in Paris’ at ‘Sweet 18’, na kasal na siya sa aktres na si Jo Yoon Hee at ipinabatid din na buntis na ang aktres.

Inaasahang manganganak si Jo Yoon Hee sa January 2018.

Tinawag na mga netizens na shotgun wedding ang pagpapakasal ng dalawa dahil February 2017 lamang ini-annouce ang pakikipaghiwalay ni Lee Dong Gun sa dati nitong girlfriend na si T-ara member Park Jiyeon na halos dalawang taon nitong nakarelasyon.

Last week naman ng February nang mag-umpisang mabalita na nakikipag-date na ang aktor kay Jo Yoon Hee at buwan ng Mayo ay ini-annouce na nagpakasal na ang dalawa at magkaka-baby na. (NEWSKO DESK)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..