Thursday 19th October 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


Kaabang-abang ang episode bukas ng alas-5:15, Linggo, Agosto 13 ng “Road Trip” sa GMA-7.

Papaanong hindi magiging kaabang-abang, aba’y magpapatalbugan sa kaseksihan sa pamamasyal sa dinarayong lalawigan sa bansa ang Palawan ang mga celebrities na sina Kris Bernal at Bubble gng cast na si Arny Ross, samahan pa nina Meg Imperial at DJ-model Jinri Park, papaano mo palalagpasin?

Pumasyal ang mga celebrities sa Calauit Safari Park. Africa at ang matindi ay rumampa sila ng naka-bikini at sumubok na mag- kayak at banana boat ride. Sumabak din sila sa fire dancing at ginalugad ang Black Island.

Kaya naman tiyak na paiinitin ang inyong Linggo ngayong panahon ng tag-ulan nina Kris, Arny, Meg at Jinri, kaya abang na! (Edna Charum)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..