Wednesday 13th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


Dinismis kahapon ang kasong isinampa ng isang dating radio DJ laban sa singer na si Taylor Swift.

Sa desisyon ni U.S. District Judge William Martinez, sinabi nito na walang basehan ang dating DJ na si David Mueller sa isinampang kaso laban kay Taylor na nagsasabing sinira ng singer ang kanyang career nang ipasibak siya nito sa kanyang dating trabaho sa KYGO radio station.

Nang ihayag naman ng judge ang desisyon na dismiss ang kaso laban kay Swift, nagsalita ang singer ng: “holy sh-t” at niyakap nito ang kapatid na si Austin.

Nagsampa ng kaso ang DJ laban kay Swift, sa ina nito at manager kung saan humihingi ito ng $3 milyon danyos dahil ipinasibak umano siya ni Taylor sa trabaho na naging dahilan ng pagkasira ng kanyang career.

Nagkontra demanda naman si Taylor at humihingi lamang ito ng $1. Kinasuhan nito ng assault and battery ang dating DJ dahil ipinasok umano ni Mueller ang kamay sa ilalim ng kanyang palda at dinakma ang kanyang puwet habang nagpapa-picture sila sa isang meet and greet noong 2013.

Gayunpaman, hindi pa rin lusot sa naturang kaso ang ina ni Taylor na si Andrea gayundin ang manager ng singer na si Frank Bell. Tanging si Taylor lamang ang nakalusot sa naturang asunto dahil nagsumbong lamang ito sa kanyang ina.

Ang desisyong ito ng judge ay ibinase sa mga ibinigay na testimonya ng mga sangkot sa kaso. Lumilitaw na matapos magsumbong ni Taylor sa kanyang ina ay tinawagan ng manager nito ang radio station at inireklamo ang DJ.

Inamin sa korte ng ina ni Taylor na sa sobrang galit ay ginusto niya talagang masibak sa trabaho sa trabaho ang DJ para hindi na nito maulit sa ibang tao ang ginawang kabastusan sa kanyang anak.

Dedesisyunan pa lamang sa Lunes ang isinampang kontra demanda ni Taylor laban sa DJ gayundin ang reklamo ng DJ laban sa ina at manager ni Swift. (NEWSKO DESK)

Related stories:
Taylor Swift nanindigan sa witness stand

Ina ni Taylor Swift nagsalita na sa korte!

Taylor Swift humihingi ng $1 danyos sa butt-grabbing case

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..