Wednesday 23rd August 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Aminado si Andrea Torres na malaki ang naitulong ng seryeng “Alyas Robin Hood” kaya hindi niya binitawan ito nang ialok sa kanya ang book 2. Hindi na siya nagdalawang isip kahit naintriga siya at maisyung pinagselosan diumano ni Marian Rivera bilang leading lady ni Dingdong Dantes.

“Hindi..love ko si Venus (karakter niya sa ARH). Lagi ko ngang sinasabi, Favorite ko talaga itong role na ito kasi revelation siya sa akin, na parang ang dami ko talagang natutunan. Kasi dati lagi kasi akong api-api, di ba? Eto ‘yung ay, nakakaaliw lang, na parang ang daming mga learnings talaga,” deklara niya.

Iniwasan na ba niya si Dingdong sa set pag wala silang eksena para malayo sa chism?

“Hindi naman po ako umiiwas. Basta very light kasi ‘yung atmosphere sa set. Tulungan naman,eh so wala namang ganun. Hindi naman kami nagpapaapekto kung ano man ‘yung mga lumalabas,” sey ng aktres.

Wala bang nabago sa turingan nila ni Dong?

“Wala pong nabago. Anything po, mas ano po kaming lahat, mas excited kasi nga nakakakilig ‘yung feeling na magkaka-season 2 (Alyas Robin Hood),e!So, lahat parang ganoon ang mood,” pakli pa niya.

Pahayag pa ng aktres na nirerespeto niya ang relasyon at buhay mag-asawa nina Marian at Dingdong. Nagkataon lang na ‘yun ang role niya sa “Alyas Robin Hood” at kung ano ang nasa script ay sinusunod lang niya.

Samantala, marami kasi ang nagulat sa isyung may feud sila ni Marian Rivera tapos biglang naging sweet ang sagutan nila sa Instagram at nagkulitan.

“Hindi, wala talaga,” hirit niya pero parang nahihirapan sa pagsagot sa pag-urirat ng press sa kanya.

Siya ba ‘yung tipo ng tao na pag may isyung pinagdadaanan ay sakyan na lang kung ano ang paraan para matapos na ito kahit labag sa kalooban niya?

“Ang stand ko naman talaga kung puwedeng iwasan ang isyu na lumaki. Basta iwasan ang issue.Mas doon ako ako,” sagot niya.

Magsisimula na sa Lunes , August 14 ang “Alyas Robin Hood” ng GMA 7 na kung saan ay kasama rin sina Ruru Madrid, Edu Manzano, Solenn Heussaff, Jaclyn Jose , Gary Estrada, Paolo Contis, Jay Manalo ,Rey “PJ” Abellana, Gio Alvarez ,KC Montero, Lindsay De Vera, Dave Bornea ,Rob Moya , Antonette, Luri Nalus . Ito ay sa direksyon ni Dominic Zapata. (ROLDAN CASTRO)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..