Thursday 19th October 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


Ipinahayag ni Direk Prime Cruz ang pagkabilib sa bida ng pelikulang Ang Manananggal sa Unit 23B na si Ryza Cenon dahil very ccoperative ang Kapuso actress at palaban ito sa mga maseselang eksenang kailangan sa kanilang pelikula.

“Sobrang thankful ako na si Ryza Cenon ang naging bidang aktres dito, binigyan niya ng kakaibang dimension yung character niya sa movie at saka binuhay niya ito. Nakita natin kung paano niya binuhay talaga si Jewel on screen,” wika ni Direk Prime.

Gumaganap dito si Ryza bilang si Jewel, isang misteryosang babae na namumuhay mag-isa na lingid sa kaalaman ng kanyang mga kapitbahay ay isa palang manananggal.

Hindi ba siya nahirapang i-convince si Ryza sa mga daring scenes sa movie, lalo na yung masturbation scene?

Esplika ni Direk Prime, “Hindi naman, kasi plinano namin iyon per shot. ‘Tsaka kasama ko siyang namili kung aling part yung komportable siyang gawin.

“Pagka-edit ko ng pelikula, siyempre ipinakita ko sa kanya, ‘Okay ka ba rito, may gusto ka bang… hindi ka ba komportable sa shot na ‘to, gusto mo palitan natin?’ Ganoon and wala naman siyang pinapalitan. Pero bago namin i-shoot yon, ipinakita ko sa kanya yung story board para alam niya kung ano yung mga mangyayari talaga.”

Posible bang magka-part two ito? “Depende po sa magiging results ng nationwide release, sana, pwede…”

Masasabi mo bang proud ka ba sa movie mong ito?

Sagot niya, “Proud po ako, dahil pinaghirapan namin siya, lahat po kami pinagtrabahuhan po namin yung pelikula. So, masaya po ako na magkakaroon siya ng nationwide release, wish ko lang na sana ay mas mapanood siya ng mas maraming tao.”

Ang Manananggal sa Unit 23B ay mula sa The IdeaFirst Company nina Direk Perci Intalan & Direk Jun Robles Lana. Isa ito sa mapapanood sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) mula August 16-22. Kasama rin sa pelikula sina Martin del Rosario, Vangie Labalan, at iba pa. (NONIE V. NICASIO)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..