Wednesday 23rd August 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


Next week na gigiling ang kamera para sa bagong proyektong pagsasamahan ng premyadong aktres na si Ms. Charo Santos at ng award-winning director na si Lav Diaz.

Matatandaang ang pelikulang Ang Babaeng Humayo ang naging comeback film ng aktres last year, after ng mahabang panahon.

Ang pagbabalik ng tandem na Charo at Direk Lav ang ibinalita kamakailan ng TV Patrol. “It will be shot in Singapore, so I’ll be there for maybe a couple of weeks.

“I’m playing the role of an OFW, who has not come home for the past 35 years,” saad ni Ms. Charo na kasalukuyang Chief Content Officer ng ABS-CBN.

Dahil kilala si Direk Lav sa mga mahahabang running time ng kanyang pelikula, sa bagong movie nila ay ire-request daw ni Ms. Charo na kung puwede ay maging medyo maikli naman ito.

“To convince him, to shorten his running time. So… I mean sayang naman hindi ba, his cinema is great and we would like it to be more accessible to the general public,” nakangiting saad pa ni Ms. Charo.

Ngayon pa lang, tiyak na maraming movie enthusiasts na ang mag-aabang sa pelikulang ito at kung paano gagawing ‘maigsi’ ni Direk Lav ang bago niyang obra. (NONIE V. NICASIO)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..