Wednesday 23rd August 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


Pangungunahan ng tinaguriang Charity Diva na si Ms. Token Lizares ang fundraising concert na Awit Sa Marawi para sa ating mga injured and fallen soldiers, their families at displaced residents ng Marawi. Magaganap ito sa Aug. 13, 5 p.m. sa AFP Theater, Camp Aguinaldo, Quezon City.

Makakasama sa concert ni Ms. Token sina Jonalyn Viray, Kiel Alo, Malu Barry, Jonathan Badon, AFP Singing Soldiers (accompanied by the Special Forces Band from Nueva Ecija), Kikay Mikay, at ang singing soldier grand champion na si ENS Mel Soriano. Ito ay prodyus ng Aficionado’s by Joel Cruz at mula sa direksiyon ni Mari Hilario.

Ipinahayag ni Ms. Token na maligaya siya sa mga bagay na ginagawa niya.

“Music is my life, my everything… dahil sa musika God made it clear kung ano talaga ang mission ko sa mundong ito.

“I will continue my advocacy, my mission in life, organizing concerts for a cause para mas marami ang matulungan. At ang career ko as a whole, either in singing, composing, acting… all because of my desire to help. Fame is just a passing thing, I want to leave a legacy—na one time sa mundong ito ay may singer na nagmahal nang tunay sa mga kapospalad. So help me God…”

Pinapurihan din ni Ms. Token ang tinaguriang Lord of Scents na si Joel Cruz dahil sa pagging matulungin nito.

“Joel Cruz is an amazingly great producer with a great heart of gold! Lahat ng proceeds ay para sa Marawi, ganyan kabait at kamatulungin si Joel Cruz! I deeply admire him! Si Joel, makatao siya at maawain talaga at handang tumulong sa mga nangangailangan.

“This is not the first time na tumulong siya sa mga needy, hanggang sa Negros saksi ako sa rami na ng tinulungan nya, noon at hanggang ngayon. Grabe siya magmahal ng kapwa niya lalo sa mga nangngangailangan, kaya saludo ako kay Joel. Grabe ang concern nya sa mga taga-Marawi at sa lahat ng mga sundalo natin na nakikipaglaban doon, I love this great man, a real philantropist named… Joel Cruz of Aficionado.”

Incidentally, ang album ni Ms. Token titled Till The World is Gone under Ivory Records will be out in the market anytime this month. Ito’y distributed ng Astro Plus, Astro Vision, nationwide. May MTV na rin daw ito at nasa Spotify, iTunes, Google play, Amazon, at iba pa.

Introducing din ang singer/aktres sa indie film na Burahin Ang Mga Salot sa Lipunan starring Patricia Javier, Leo Martinez, Dan Alvaro, Efren Reyes Jr., Lovely Rivero, Archie Adamos, Kiel Alo, at iba pa, directed by Bert Abihay Dagundong.

Mapapanood din siya sa show ng aming grupong TEAM (The Entertainment Arts & Media) na pinamagatang Team… Love sa August 16, 2017 (Wednesday), sa Music Box, Timog. Bukod kay Ms. Token, tampok din dito sina Patricia Javier, Mart Escudero, Atty. Jemina Sy, Tori Garcia, Mavi Lozano, Rayantha Leigh, Josh Yape, at iba pa.

Ang isa pang show ni Ms. Token ay ang birthday show ni katotong Roldan Castro na pinamagatang Muiscali3 (M2M2M) with Michael Pangilinan, Marion Aunor, at Marlo Mortel na gaganapin sa August 30, 9PM sa Zirkoh, Tomas Morato. Tampok din dito sina Marc Cubales, ang The Voice finalist na si Natsumi Saito, Ryan Tamondong, Kiel Alo, Lara Lisondra, Klinton Start, Hot Girls, Pretty Girls, Tuod at Alwina, Daryl Christian Madrid Reynes, Yna Uy, Maricar Aragon, J-Nissi Elisha, Patrick Alvarez, Lemuel Santos at ang LS Band. (NONIE V. NICASIO)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..