Wednesday 13th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Binibiro ang actor-politician na si Alex Castro na BeauteDerm baby din pala ito kaya naman habulin at pinag-aagawan ng mga chicks.

Isa sa secret kaya lalong gumagandang lalaki ang Board Member ng 4th District ng Bulacan ay dahil sa products ng Beautederm.

Si Bokal Alex ay isang model, actor, singer, former Councilor ng Marilao Bulacan , at ngayon ay Board Member.

Sinasabi nila na ka-look alike niya si Dennis Trillo.

Bilib na bilib sa kanya ang Chief Executive Officer na si Ms. Rei Ramos Anicoche (Rhea Tan) ng BeauteDerm
“Marami po kasing followers si Alex as politician. Bata pa siya pero marami na na-achieve sa buhay. Beautiful inside and out din po siya.
“Sa face po niya talagang BeauteDerm set natin ang gamit n’ya. Real user talaga.

Friend ko pa sya noon pa,” saad ni Ms. Rhea.

Kaibigan din daw ni Alex ang isa sa ambassador ng BeauteDerm na si Matt Evans kaya join na siya sa pamilya ng BeauteDerm na kinabibilangan din nina Sylvia Sanchez, Carlo Aquino, Jaycee Parker,Rochelle Barrameda,Shyr Valdez, Boobay, Elma Muros, Jimwell Stevens, Maricel Morales, Alma Concepcion, Hon. Migz Magsaysay, Jericho Aguas at Yayo Aguila.

Samantala, ipinagdiriwang ngayon ang first anniversary ng BeauteHaus Nail and Skin Clinic ng BeauteDerm sa Villa Angela Main Gate sa Angeles City. May anniversary promo sila para sa buong buwan ng August.

(ROLDAN CASTRO)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..