Sunday 22nd October 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Kilig to the bones na naman ang drama ng AlDub Nation kahapon sa episode ng Juan For All ng Eat Bulaga.

Hindi lubos maisip ng mga fans na eeksena si Alden at iiskor kay Maine.

Ang eksena kasi kahapon ay may isang contestant na ininterbyu ni Alden na tila kilig na kilig sa kaharap na tisoy.

Ramdam ni Paolo Ballesteros ang kilig ng dalaga habang kinakausap ni Alden kaya sinabihan nina Tito Sen at Bossing si Alden na bigyan na lamang ito ng halik para mahimasmasan.

Ang malokong Alden ay pumorma nang hahalik pero ginulat ni Alden ang lahat dahil sa pisngi ni Maine dumapo ang mapupulang labi ni Alden at hindi sa contestant.

Kaya naman naghiyawan ang mga fans na isang magandang pabaon ni Alden kay Maine dahil lumipad na ito ng US para sa isang show sa Texas. (Edna Charum)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..