Wednesday 23rd August 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Kung hirap pagsama-samahin sa isang project ang mga sikat na celebrities sa iba’t ibang network, ibahin ninyo ang sikat na dentista ng mga artista na si Dr.Steve Mark Gan.

Ito ay dahil nagawa niyang pagsama-samahin sa opening ng isa niyang branch ng dental clinic ang mga sikat na celebrities ng GMA-7, ABS-CBN at TV5.

Makikita ito sa post ng actress/TV host na si Pauleen Luna kung saan ay magkakasama sila ng asawang si Vic Sotto, Matteo Guidicelli at Derek Ramsey na nag-cut ng ribbon sa grand opening ng GAOC Alabang Branch.

Dahil sa pagbubukas na ito ng branch ng GAOC Alabang branch, tiyak na dudumugin ito ng celebrities na nakatira sa bandang south area ng Metro Manila.(Newsko Desk)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..