Thursday 19th October 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Inatake na naman ng basher ang Kapamilya actress na si Jessy Mendiola.

Sa social media account ng Star Magic ay ipinost ang guesting ni Jessy sa “Magandang Buhay” kung saan kasama ng aktres sa larawan ang kanyang ina at kapatid, gayundin ang mga host ng show na sina Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Contiveros.

Napuna na naman ng mga bashers ni Jessy ang bago nitong hairdo kaya napagdiskitahan na naman at inakusahang nanggagaya ito sa isang hindi nila binanggit na celebrity.

Maging ang pananamit ng aktres ay napuna rin ng basher.

Pati ang show ng mga momshies ay pinagdiskitahan ng basher at pansamantala raw nilang binoykot dahil hindi nila type ang guest na si Jessy.

Narito ang ilan sa banat ng bashers kay Jessy sa nasabing post ng Star Magic sa kanilang Instagram account nito lamang linggo.

[email protected] patio nga sa pananamit may ginagaya nnman sya jessy be real magpakatotoo ka la hay na lang gusto mo gayahin wala ka bang sariling signature?
airamenimsajAy nagpashort hair din si ate girl 😂😂😂
maimaya_18D na mna ako manood ng MGB
carmelitabantonSorry, di q pinanood. Di q gsto ang guess nila na c JM
marithea24Me too di rin ako nanuod pangit kasi ang guest today…
• michelle_2309Ngayon lang ako di nanood ng magandang buhay. Panira talaga ng umaga si Jessy eh
Pero kung may mga basher si Jessy, hindi rin naman nagpatalo ang mga nagmamahal kay Jessy at ipinadama ang kanilang love sa aktres na paboritong i-bash ng netizens.
Ito ang ilan sa mensahe kay Jessy ng mga nagmamahal sa aktres.
• melissabalvarezjessy is love
• joanbacleWonderful human being😊
• norms.avilesWonderful family 😊
• chickiecurlzThree wonderful women with a very good heart. ❤❤❤
(Newsko Desk)

Jessy Mendiola with her family on Magandang Buhay

A post shared by Star Magic (@starmagicphils) on

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..