Wednesday 13th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   


Ipinagtanggol ng Internet Heartthrob na si Klinton Start ang crush at idolo nitong si Nadine Lustre kaugnay sa mga isyung kinasasangkutan nito sa ngayon .

“Feeling ko na-misinterpret lang yung naging sagot ni Nadine sa issue about live in .Binigyan lang ng malisya yung naging sagot niya ,” saad ng binata.

Wish din niya na makasama sa isang teleserye o pelikula si Nadine .

“Siya kasi ang showbiz crush ko ,” nangingiting pahayag ni Klinton na may halong kilig .

“Gustong-gusto ko kasi yung Pinay Beauty niya. Bukod pa sa maganda siya ay nagaling ding umarte .
Katulad ko mahilig din siyang sumayaw at kumanta , kaya sana makasama ko siya sa isang proyekto ,” sambit pa niya.

Hinahangaan lang daw niya si Nadine at hindi ibig sabihin nu’n ay aagawin na niya ito kay James Reid .Gusto lang daw niyang makatrabaho.

Sa ngayon ay nagwo-workshop si Klinton para maging ready siya pag may mga proyektong darating.
Abangan din siya sa August 30, 9PM sa Zirkoh, Tomas Morato entitled “Muiscali3 (M2M2M) “ with Michael Pangilinan , Marion Aunor and Marlo Mortel.

Tampok din ang Charity Diva na si Token Lizares, magpapainit naman sa mga kalalakihan ang HOT GIRLS. Pagpapantasyahan naman ang PRETTY GIRLS. May pasabog din ang Birit King na si Lemuel Santos at ang LS Band. Nandiyan din ang halimaw sa entablado na si Ryan Tamondong. Si Ryan ay Grand Prix Champion ng EUROPOP sa Berlin Germany. Pasasayahin din tayo ng Hugot King na si Kiel Alo.

Patatawanin naman tayo nina Tuod at Alwina. May pasabog naman ang The Voice finalist na si Natsumi Saito. Pakikiligin naman tayo ng guwapong mang-aawit at WCOPA winner na si Daryl Christian Madrid Reynes. Nandiyan din si Yna Uy na produkto ng Master Showman, ang Comic Diva na si Maricar Aragon, ang Internet Sensation na si J-NISSI ELISHA, ang guwapong si Patrick Alvarez, ang Ivory Recording Artist na si Lara Lisondra at ang nagbabalik sa pagkanta na si Marc Cubales, Kumpletos rekados kaya watch na sa Agosto 30.

Para sa ibang detalye tumawag sa 09053595091. (ROLDAN CASTRO)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..