Thursday 19th October 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Aminadong nasaktan si Mommy Maryann Nulos , ina ni Onyok (Xymon Pineda) nang makarating sa kanya ang mga akusasyon na siya ang dahlin kaya tinanggal si Onyok sa “FPJ’s Ang Probinsyano”.. Hindi naman daw nila kung ano ang totoo.

“Medyo nagdecide na po kami na medyo pahinga kasi magre-regular school po siya, para mas lalong maka-focus siya sa studies niya,” paliwanag ni Mommy Maryann sa renewal ng contract ni Onyok sa H/Head Kids apparel pants t-shirts jackets .

Hindi naman itinatanggi ni Mommy Maryann na malaki ang naitulong ng “Ang Probinsyano” sa financial nilang pamumuhay. Nakapagpundar naman sila ng bahay at sasakyan. Dahil sa nasabing show ay nagkaroon ng commercial si Onyok.

Bagamat importante ang edukasyon, hindi ba nila pinanghihinayangan yung malaking kinikita?

“Nanghihinayang talaga kami kasi ang ganda ng tandem nila ni Coco (Martin), Pero siguro po pag walang pasok o bakasyon puwede siyang mag-guest,” sambit pa niya.

Nagpaalam daw sila ng maayos at naghiwalay na walang problema. Nag-agree naman daw si Coco na dapat ay priyoridad ang pag-aaral.

Pero bakit may negative na lumabas at sinasabing siya raw ay may attitude?

“Kasi po, may mga tao po na hindi naman kami kilala, ganoon., dyina-judge kami,” sey niya
“Nilunok ko na lahat … basta gusto ko mag-ano muna siya sa pag-aaral kasi matalino si Xymon.

“Kung gaya sa movie, once a week lang ang taping nila sa “Ang Panday,” okey lang,” pakli niya.

Nakapag-save naman daw sila kaya okey naman daw ang financial nila. May trust fund naman daw si Onyok at saka fully paid na raw yung sasakyan at bahay. Basta ang iniisip lang daw niya ay yung best para sa anak niya.

Inamin din niya na nagtanong siya kung pack-up na ba sa taping si Onyok oras pero dinadaan niya sa handler at road manager.

“Sila po ang nag-uusap,” paliwanag niya.

So, particular siya sa oras ni Onyok sa taping?

“Opo…kasi para kung may time pa siya na makapasok pa siya, maisingit niya ‘yung..kasi home study siya last year para kunwari maaga siya makauwi, may chance siyang makapasok kinabukasan. Kasi pag home study po, magi-exam siya dun sa school (sa Angelicum). Para ‘yung mga nasagutan niya sa bahay, puwede niya ma-exam dun kaya tinatanong ko,” tugon pa niya.

Nagbibigay rin daw siya ng consideration pag airing na ang kinukunan. Okey naman yun sa kanya dahil kailangan na talagang kunan.

Samantala, nagpasalamat sila sa pamunuan ng H/Head Kids apparel pants t-shirts jackets dahil ni-renew ang kanyang kontrata sa dalawang taon.

Ipinagmamalaki din ni Onyok na mataas ang grades niya sa English, Math, Computer. Ini-enjoy niya ang pagpasok ng regular sa school.

May munting negosyo rin daw na itinayo ang ina ni Onyok. Personalized na printing sa t-shirts. (ROLDAN CASTRO)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..