Wednesday 13th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Tampok sa kanyang unang pagganap sa “MMK” ang 40th Gawad Urian Best Supporting Actor bilang isang macho dancer na hindi tanggap ang kabuuan ng kanyang pagkatao ngayong Sabado (Agosto 12) sa “MMK.”

Namulat si Ben (Christian) sa isang buhay na magulo at puno ng panghuhusga dala narin ng mundong ginagalawan ng kanyang inang si Helen Vela (Gloria Diaz) at kapatid na si Princess Punzalan (Ritz Azul). Dahil nasa kanila ang mga mata ng publiko, hindi naiwasan makatanggap siya ng kaliwa’t kanang pangungutya tungkol sa kanyang pisikal na itsura lalo na sa pagiging anak niya sa labas na nagsanhi ng pagkawala ng kanyang bilib sa sarili. Gayunpaman, naging sandigan ni Ben ang kanyang pamilya sa lahat ng kanyang mga pangarap at pagsubok sa buhay.

Kaya namang tuluyang gumuho ang buhay ni Ben nang namatay ang kanyang ina. Sa labis na kalungkutan, tinalikuran niya ang kanyang mga kapatid. Sa kanyang pagpupumilit mamuhay mag-isa, napadpad naman siya sa pagtratrabaho sa isang gay bar bilang isang macho dancer.

Sa panibagong landas na kanyang kinahantungan, nahanap kaya niya ang pagtanggap at atensyon na kanyang inasam? Nagkaayos pa kaya sila ng kanyang mga kapatid?

Makakasama ni Christian sa episode sina Ingrid dela Paz, Micah Javier, Alex Castro,Angelo Ilagan, JB Agustin, Kyline Alcantara, Nathaniel Britt, at Toby Alejar. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Raz dela Torre at panulat ni Shugo Praico. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng Star Creatives COO na si Malou N. Santos.

Abangan ang longest-running drama anthology sa Asya, ang “MMK” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, i-follow ang @mmkofficial sa Facebook, Twitter, at Instagram.

Newsko Desk

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..