Wednesday 13th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Kinabog ng Kapamilya star na si Julia Montes ang mga celebrities na sumailalim sa “bag raid” ng TV host /writer sa ABS-CBN na si Darla Sauler.

Nagimbal ang host/writer nang masilip ang wallet ni Julia na maraming laman.

Sabi ng TV host/writer dinaig daw ni Julia ang ibang kilala at mayayamang celebrities sa dami ng laman ng wallet.

Super depensa naman ang aktres at ipinaliwanag na pambayad ng matrikula ng kanyang mga kapatid ang perang dala sa wallet.
Maliban sa pagiging mabuting kapatid ay naibahagi rin ng aktres ang tamang pagba-budget, partikular ang pagpasok at paglabas ng pera sa kanyang wallet.

Bawat sentimong lumalabas sa wallet ni Julia ay recorded gamit ang isang application sa kanyang cellphone kaya accounted lahat ng gastos at kita ng aktres.

Dahil sa ipinamalas ng aktres ay marami itong pinahanga sa tamang paghawak ng pera. (Edna Charum)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..