Thursday 19th October 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Sinerbisyuhan kamakailan ng Doctors on Wheels (DOW) ng Hotel Sogo ang mahigit 300 residente ng Barangay Damayan, Quezon City at 600 indigents ng Barangay San Pedro sa San Fernando, Pampanga.

Ang pagbibigay ng libreng medical services sa San Fernando, Pampanga ay pinangunahan ni Hotel Sogo Manager Mr. Gilbert de Guzman at isinagawa ito sa Barangay San Pedro Elementary School noong nakaraang June 21, 2017.

Ang DOW ay isang mobile medical bus na merong examining beds, examining chairs at iba pang kinakailangang medical equipment. Ang mga staff nito ay binubuo ng mga volunteer doctors, social workers, nurses, pharmacists at Hotel Sogo personnel.

Nakapokus ang DOW sa pagbibigay ng basic health care para sa mga mahihirap at malalayong komunidad.

Kabilang sa serbisyong ipinagkakaloob nito ang medical and pediatric consultations, pagrereseta at pagbibigay ng libreng gamot.

Sa mga interesadong makipag-partner sa Hotel Sogo, maaaring kontakin ang aliman sa kanilang branch o kaya naman ay tumawag sa 7900-900.

Ang mga residente ng Bgy. Damayan, Quezon City na binigyan ng serbisyong-medikal ng DOW.

Isang maybahay ng Bgy. San Pedro sa San Fernando, Pampanga habang nagpapa-checkup sa DOW medical personnel.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..