Thursday 19th October 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Marami ang nag-antabay sa pagdalo ng Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa kasal nina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap na pinsan ni Dingdong.

Pero nabigo ang mga nag-aantabay dahil walang Marian at Zia na dumating.

Tanging si Dingdong lang ang nakadalo sa kasal ng kanyang pinsang si Arthur kasama ang ilang miyembro ng kanilang pamilya.

Gayunman ay star studded pa rin ang Christian wedding na idinaos sa Los Arboles sa Tagaygay.

Kabilang sa mga naispatang dumalo sa seremonya sa pamamagitan ng mga kumalat na larawan sa social media ay sina Hayden Kho, Michael V., Pauleen Luna, Vic Sotto, Ruby Rodriguez, Glaiza de Castro,
Jolina Magdangal, Sunshine Dizon, Mika dela Cruz, Angelika dela Cruz Allan K., Gloc 9, Paolo Ballesteros at sina Sen.Tito Sotto, Vic Sotto at Joel de Leon.

(Newsko Desk)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..