Wednesday 23rd August 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Bilang pagpaparangal sa mga military troops, nag-donate kamakailan ang Hotel Sogo sa pamamagitan ng kanilang Sogo Care Program, ng mga wheelchair at saklay sa Armed Forces of the Philippines Health Service Command (AFPHSC).

Sina Hotel Sogo Corporate Social Responsibility Manager Bae Jennifer Pia Las, Public Relations Supervisor Nicel Lavente at Public Relations Assistant Geralyn Cañamaso ang nag-turn over ng naturang donasyon kay Brigadier General Edwin Leo Torrelavega na siyang commander ng AFPHSC.

Ang Sogo Cares program ay dating nakapokus lamang sa pagbibigay ng tulong sa mga nabibiktima ng mga pagbaha, bagyo at mga calamity stricken areas at nagbibigay ng suporta sa iba’t ibang foundation at Non-Government Organizations (NGOs) subalit pinalawak nito ang kanilang Corporate Social Responsibility campaign at isinama ang pagdamay sa mga brave men and women ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa pamamagitan ng financial support at pagbibigay ng wheelchairs and crutches.

Bukas naman ang Hotel Sogo para sa partnership sa iba’t ibang organisasyon. Para sa mga detalye, kontakin lamang ang alinmang Hotel Sogo branches o tumawag sa 7900-900.

Nasa larawan sina Ms. Nicel Lavente, Hotel Sogo Public Relations Supervisor; BGEN Edwin Leo Torrelavega, AFPHSC Commander; Bae Jennifer Pia Las, Hotel Sogo Corporate Social Responsibility Manager at Ms. Geralyn Cañamaso, Hotel Sogo Public Relations Assistant.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..