Wednesday 23rd August 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Si Mr. Edmundo Las ang Managing Director ng Eurotel Hotel kasama si QC Vice Mayor Joy Belmonte at mga naging panauhin sa ginanap na grand launching ng Eurotel Vivaldi kamakailan.

Ipinagdiwang kamakailan ng Eurotel Hotel ang grand opening ng kanilang Vivaldi Cubao Branch kasama ang mga guests, celebrities, government officials, police officers at media friends.

Ang Eurotel Vivaldi na nasa EDSA Cubao, Quezon City ay isang European inspired hotel na kilala sa Filipino hospitality.

Pinangunahan ni Mr. Edmundo Las, Managing Director ng Eurotel Hotel, selebrasyon sa pamamagitan ng pagsasabing ang kanilang company goal ay makapagbigay ng mas maraming job opportunities sa komunidad.

“The board of directors’ guarantees that we can give employment for the next 25 years,” pahayag pa ni Mr. Las.

Dumating din sa naturang okasyon si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte na kilala sa kanyang mga projects at programa para sa edukasyon, livelihood, environment, culture and arts at pinangunahan nito ang ceremonial toast and ribbon cutting.

“You have the best employees, because you are employee center. I look forward to experience the good service from all of you here,” pahayag ni Vice Mayor Belmonte sa kanyang talumpati. “Slowly we are creating more destinations for visitors in Quezon City and we know Eurotel will be our partner here.”

Ang Eurotel ay nagbibigay ng affordable European experience para sa mga guests na karamihan ay mga travelers at businessmen. Lahat ng branches nito ay merong flexible function rooms, therapeutic massage, comfortable rooms, safety deposit boxes, free buffet breakfast, free parking, resto bar at transport service.

Ang naturang hotel group ay kasalukuyan merong siyam na branches nationwide na kinabibilangan ng Las Piñas, Pedro Gil, Makati, North EDSA, Baguio, Angeles Pampanga, Boracay, Naga and Cubao. Lahat ng Eurotel branches ay malapit sa mga tourist destinations at business centers.

Para sa iba pang impormasyon at booking reservation, maaring bisitahin ang Eurotel website na www.eurotel-hotel.como maaari ring tumawag sa 7900-900.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..