Wednesday 23rd August 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Ibang klase talaga ang impluwensiya ng pera dahil wala itong pinipili kahit magkakadugo.

Katulad na lamang ng isang so rich na negosyante na walang pakialam na pumatol sa tatlong kababaihang mula sa isang angkan ng sikat na personalidad sa bansa.

Hindi naman siguro love ang umiral kaya niya pinatulan ang tatlong Maria at lalong wala rin sigurong love na nararamdaman ang kahit isa sa miyembro ng tatlong kababaihang pumatol sa rich businessman kundi tawag ng pangangailangan.

Una raw pinatulan ni rich businessman ay ang isang hindi kasikatang bebot na mula sa angkan ng sikat na personalidad sa bansa.

Isinunod nito ang isa pang miyembro ng pamilya at ang latest ay ang sumisikat na bagets na mula rin sa nasabing angkan.

In fairness naman kay businessman, hindi naman sabay-sabay ang ginawa niyang pagpatol. Isa-isa lang.

Pero kahit hindi sabay-sabay, for sure ay knows ng bawat isa sa pamilyang pinagpasa-pasahan kung sino ang present at past ng businessman.

Sino nga ba ang Tres Marias na ito at rich politician?

(Edna Charum)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..