Wednesday 23rd August 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Hindi pa rin matapos-tapos ang isyu laban sa Pambansang Bae na si Alden Richards na inakusahang may anak na.

Ang sinasabing anak daw ni Alden ay ang nakakabatang kapatid nito na si Angel.

Dahil sa hindi mamatay-matay na isyu ay inurot na ang ama ni Alden na si Richard Faulkerson, Sr. o Daddy Bae na idemanda na ang mga nagpapakalat ng balita laban sa actor.

Sa kabila ng umiinit na isyu laban kay Alden ay nananatiling cool ang ama ni Alden at muli nitong ipinamalas ang pagprotekta sa anak laban mga bashers at haters sa social media.

Sa halip na magalit ay ganito ang mensahe ni Daddy Bae sa social media: “Kami po ay hindi nakikipagaway sa inyo…sana po ay isipin na kami ay walang ginagawa na masama sa inyo…”
Para kay Daddy Bae, aksaya lang ng oras, panahon at pera ang magsampa ng demanda dahil higit sa lahat ay malinis daw ang konsensya ni Alden na wala itong anak. (Edna Charum)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..