Wednesday 23rd August 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Happy na ang mga tagahanga ni ex-PBB housemate Kisses Delavin dahil sa pagbibigay-pansin ng ABS-CBN News online sa kanilang idolo na binansagan ng isang sikat na fashion magazine bilang isa Kapamilya stars na kaabang-abang.

Agosto 1 nang mag-post ang ABS-CBN ng balitang may kaugnayan sa ‘women to watch’ ng fashion Magazine na MEGAstyle at ganito na ang ulo ng kanilang balita: Kisses, Sue, Maris, binansagang kaabang-abang ng isang fashion magazine .

Kalakip ng nasabing online news ay larawan ng tatlong baguhang teen stars.

Ang nasabing bagong artikulo ay sinulat ng showbiz writer ng ABS-CBN na si Gretchen Fulido.

Sa twitter account ng ABS-CBN kung saan ay itinweet ang nasabing ulo ng balita ay nag-react ang isang fan ni Kisses na isa sa tinutukoy ng magazine na kaabang-abang at ganito ang kanyang naging mensahe sa ABS-CBN:”Thank you @ABSCBNNews for reposting this article. I must admit I was hurt when you deleted your previous post simply because I believe …stand by your articles and/or reports.We sincerely appreciate your gesture. Thank you also for trying to mend our broken hearts. GBU.

Nauna rito o noong Hulyo 31 nang unang ilabas ng ABS-CBN online ang istoryang “ Ylona, Maymay, Elisse among fashion mag’s ‘women to watch’ na maaring ikinatampo ng ilang Kisses fans.
Maliban sa fan ni Kisses ay wala ng iba pang fans club ng mga teen star ng Kapamilya ang naglabas ng sama ng loob sa tila may pagka-‘favoritism’ na ginawa sa paglalabas ng balitang pawang ang mga Kapamilya stars naman ang magbebenepisyo.

Narito ang ilan sa tweet ng fan ni Kisses.

(Edna Charum)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..