Sunday 22nd October 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Nagulat naman kami sa kuwento ng isa pa sa matinik naming informer. Tungkol ito sa isang actor na hindi lang macho, kundi barakong-barako pa ang image sa showbiz.

Ang naturang actor ay maraming naging girfriend sa mundo ng showbizlandia. May mga sexy aktres at mayroon pang beauty queen.

Noon ay nakagawa rin ang actor na ito ng ilang pelikula na pa-sexy ang tema, dahil nga barakong-barako kasi ang image nito.

Ang siste, may iba palang hilig ang macho actor na ito kapag nalalasing. Dahil trip daw nitong kumain ng kauri niya! Kuwento ng aming source:

“Hindi ko akalain ‘Teh! Lumalafang din pala ng hilaw na hotdog si actor! BFF ko kasi ang kanyang dyulalay dati, dyulalay con-make-up artist actually. At itong BFF kong ito ang nag-ispluk sa akin na ang amo niyang barako kapag nalalasing, ang trip niya ay sumakay ng taxi.

“Animo silahis daw itetch barakong aktor na hinaharot ang driver. Pero ang the height ng tsika, kapag di pumapalag sa yakap at himas ni aktor si driver, kasunod na nito ay hahalikan ni actor si driv (dirver)! Smack ito at kapag di pa rin pumalag si manong driver, ang next na drama raw nito ay pabababain na si dyulalay sa taxi at hindi na niya alam kung saan pupunta at kung ano ang gagawin ng amo niyang macho actor sa driver ng taxi!”

Well, nakagugulat nga ang tsikang ito dahil kilala sa apat na sulok ng showbiz na barakong-barako si actor. Although in fairness, smack-an lang naman ang nakita ng alalay ni aktor at di siya sure kung may milagrong nangyari nga sa driver at sa machong actor.

Yun na! (Ni: Tsikadorang Spy)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..