Wednesday 23rd August 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Matagal na nanahimik o patay-mali lang ang singer/actor na si James Reid sa kontrobersiyal na pahayag ng girlfriend at ka-loveteam nitong si Nadine Lustre na walang masama sa pakikipag-live-in.

Matatandaang dahil sa nasabing posisyon ni Nadine sa live-in ay pinutakte ito ng basher, inalipusta at pinaratangang baka nakikipag-live-in na sa kanyang BF na si James.

Mag-isang hinarap ni Nadine ang isyu dahil hindi naglabas ng anumang komento noong nasa kainitan ang isyu si James.

Pero kamakailan lamang ay tinuldukan na ni James ang pananahimik sa isyu dahil sumang-ayon na rin ito sa posisyon ng GF.

Ani James, wala siyang alam sa kontrobersiyal na isyung kinasangkutan ni Nadine, gayunpaman ay nagustuhan aniya niya ang pananaw ni Nadine at tama aniya ito.
“I don’t know about it, but I like Nadine’s answer. It’s true,” ang komento ni James nang makapanayam kamakailan ng media. (Edna Charum)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..