Wednesday 13th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Ipinahayag ng singer/actor at Masculado member na si Orlando Sol na lahat ng genre sa pelikula ay gusto niyang subukan. Maging ang project man daw ay drama, action, comedy o sexy, okay lang daw ito sa kanya.

Saad ni Orlando, “Lahat po ay gusto ko eh, lahat ay gusto kong subukan. Gusto kong i-test iyong sarili ko kung hanggang saan ang capacity ko.”

Nakatakdang gawin ni Orlando ang pelikulang Marco Positibo, na base sa true story ukol sa AIDS. Mayroon din siyang theater play na pinamagatang Uyayi ng Ulan ni direk Melchor Avila Berja at si Erick Castro ang Artistic Director dito.

“Kaming dalawa ni Miggs Cuaderno rito, ang role ko po is Aguman, isang agila na king sa forrest.
Ipalalabas po ito mga school sa September and iikot sa buong Filipinas. Napakagandang adbokasiya ng play, para maipakita sa mga manonood kung ano na ang nangyayari sa kagubatan at kalikasan dahil sa walang tigil na pagsira ng mga tao rito,” aniya.

Binabansagan din si Orlando Sexy Sentimental singer, kaya inusia namin siya kung naiilang ba kapag matrona at gay ang tumitili sa kanya?

“Hindi naman, kasi lahat naman sa amin… kumbaga ay iyon ang mga audience ko, eh. Doon yata ako malakas eh, kaya komportable ako kahit saan naman.”

Ano ang nagawa sa iyo ng album mong Emosyon? “Eto po, mas napansin po ako ngayon and sana ay magtuloy-tuloy na, ma-promote namin itong album ko at mas makilala pa ang mga kanta ko.”

Mas dumami ba ang fans mong bading dahil sa iyong online drama serye? Mas dumami ba ang nagme-message sa iyo sa Facebook? “Marami po, maraming nagme-message sa akin sa Facebook na kung minsan ay hindi ko na nare-reply-an. Na iyong iba, akala ay suplado raw ako,” nakangiting saad niya.

Nabanggit din ni Orlando na marami ang nagre-request ng part 2 ng kanyang online drama series. “Opo, marami ang nagre-request ng first online drama serye ng Star Music na Kailan Darating Ang Ayoko Na, iyong kanta ko…

“Nang natapos po kasi iyong episode five, marami ang comments na sana raw ay may part 2. Hoping sila, kasi ang ending namin doon ay umalis ako. So may mga nagre-request na gusto nila abangan daw yung story ng character ko, may mga nabitin daw… So depende po kung magkakaroon ng part-2.”

Ang tinutukoy niyang online drama series ay tinampukan niya with Catherine Rem, Ruby Cayetano, at Blumark Roces para sa isang natatanging love triangle. Binubuo ito ng five series na ipinrodyus ng Production 56 at idinirehe ni Direk Maryo J. Delos Reyes na manager din ni Orlando. Ipinalabas ito sa Star Musics’ Youtube channel ng limang sunod-sunod na Biyernes, mula April 28 hanggang May 26.

(NONIE V. NICASIO)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..