Thursday 19th October 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Isa ang ex-PBB housemate na si Kisses Delavin sa napili sa isinagawang poll ng ABS-CBN sakaling gawin ang Pinoy version ng Korean drama na Goblin.

Si Kisses ang napisil na gumanap bilang Erin na ginampanan ni Kim Go Eun.

Nakalaban sa poll ni Kisses para sa papel na Erin sina Nadine Lustre, Sarah Geronimo, Angel Locsin, Louise delos Santos at Jodi Sta. Maria.

Sa mga nabanggit si Kisses ang swak na swak sa nasabing papel bilang isang maganda at masayahing bata. Ang problema lang ay kung handa na ba si Kisses sa kissing scenes dahil mayroong mga eksenang halikan sa sikat na K-drama.

Pero kung pagbabasehan ang post ni Kisses sa kanyang IG ay mukhang handa na ito sa kung anumang papel ang ibigay sa kanya ng ABS-CBN.

Sa IG ng ex-PBB final 7 winner ay nagpasalamat ito sa ABS-CBN at sa mga kapamilyang bumoto sa kanya para gumanap na Erin.

Ganito ang mensahe ni Kisses sa kanyang IG account:kissesdelavin‪Thanks po ABS-CBN & to all Kapamilyas who voted for me! Nakakataba po kayo ng puso! 💕
I’m new to this and I still have a lot of things to learn, ika nga “marami pang kakaining bigas”, but I’m willing to learn it all, lahat ng hirap willing ako pagdaanan, as long as marangal, kahit mag simula pa ako sa pinaka maliit na role!
Thanks for the trust! Hindi ko po bibiguin lahat ng mga sumusuporta saakin! 😘

Agad namang nagpahayag ng suporta sa sumisikat na teenstar ang kanyang mga tagahanga at ganito ang kanilang mensahe kay Kisses.

nhe_lyn489_kissesfangirlCongrats baby girl..malayo ang mararating mo..just keep your foot on the ground

iam_lasdygonzaga3008Happy for you @kissesdelavin… God bless you. I love you…Always think positive👍

kissmarcbuddiesproud kmi sayo love my tiwala kmi at alam nmin gagalingan mo pa

kissesourkweenBagay na bagay kween! 😘💕

sobeautifulasyouWow..congratulations!!you deserve to be part of k-drama..hoping that there will be one remake of any korean serye

quizonmis13You really deserve it. Fit yung personality mo sa character ni Erin. Congrats @kissesdelavin

Kung si Kisses ang napiling Erin ay si Piolo Pascual naman ang ibinoto sa papel ni Gong Yoo na si Kim Chin sa Goblin.

Si Zanjoe Marudo naman ang napili ng netizens bilang Grim Reaper na si Lee Dong Wok habang si Arci Munoz naman ang gusto ng netizens na gumanap bilang Sunny na ginagampanan ni Yoo In Na.

(Edna Charum)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..