Thursday 19th October 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Hindi talaga kami nagsasawang tumutok sa “My Love From The Star” every night dahil enjoy na enjoy ang netizens sa tambalan nina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva bilang Steffi at Matteo.

Tulad ng episode nito recently na todo-papansin si Steffi kay Matteo while nasa poolside. Hindi nakakainis ang arte ni Jen dahil hindi ito OA sa pagpoportray, talagang good vibes lang ang dala nito sa aming mga viewers.

Balita ngang tuwang-tuwa si Direk Joyce Bernal sa nakakaaliw na akting ni Jen.

Marami ring netizens ang nagsasabi na nasapawan na ni Jen ang akting ng original Korean actress na gumanap nito.
Masasabing maganda ang naging adaptation ng Kapuso Network sa Koreanovela dahil complete package ito simula sa mga artista hanggang sa direktor. (ROLDAN CASTRO)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..