Thursday 19th October 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Hindi makapaniwala ang isang waiter sa isang Japanese restaurant malapit sa sikat na village sa bandang South ng Metro Manila sa naging experience niya sa isang veteran actor.

Hindi naman regular customer si veteran actor sa naturang Japanese restaurant, pero mga ilang beses na rin daw kumain doon ang naturang actor. At palibhasa’y artista, natural na kilala siya ng mga taga-restaurant kapag kumakain ito roon.

Ang siste, isang late night na halos pasarado na ang nasabing restaurant, dumating daw ang veteran actor. Medyo tipsy raw ito at nag-take out lang ng pagkain. Hindi na nga raw umakyat sa restaurant si actor, kundi nasa kotse niya lang ito at nagpatawag na lang ng waiter.

Paglipas ng ilang minuto, hinatid na ng waiter ang pagkaing take-out ni actor. Dito na nangyari ang hindi niya inaasahan. Si vetarn actor, pinapasok daw siya sa kotse nito para doon ibigay ang bayad. Pero pagkatapos ibigay ang bayad ay inakap daw nito ang waiter at hinalikan sa labi.

Nagsasabi pa raw ito na, ‘Pagbigyan mo na lang ako at ako ang bahala sa iyo.’ Pero kahit na-shock at sobrang nagulat sa ginawa sa kanya ng veteran actor, itinulak daw ng waiter si veteran actor kaya nakalabas siya ng kotse nito.

Gusto raw sanang umbagin o suntukin man lang ng waiter yung actor pero nag-alala siya dahil mayaman ito at baka baligtarin lang siya nito.

Ayon pa sa aming source, hindi naman kaguwapuhan ang waiter, pero ito ay tisoy na medyo chubby na de balbas. Ang veteran actor naman ay naging produkto ng sumikat din namang love team, pero ngayon ay parang retired o semi-retired na ito sa showbiz.

Yun na! (Ni: Tsikadorang Spy)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..