Wednesday 23rd August 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Tampok si Ria Atayde sa Maalaala Mo Kaya this Saturday. Ikalawang labas na ito ni Ria sa MMK, pero this time, si Ria ang letter sender.

Gagampanan ng magandang anak ni Ms. Sylvia Sanchez ang kuwento ng buhay ng Filipina-born Australian-based entrepreneur na si Hershey Hilado.

Ayon kay Ria, ibang challenge sa kanya ang episode na ito ng drama series ng Kapamilya Network.

“Ibang challenge naman po ulit kasi, tough character si Hershey at may Fil-Aus accent! And she’s more morena and marami po siyang pinagdaanan na traumatizing experience, so maraming layers sa characterization,” saad ng aktres.

Dagdag pa ni Ria, “Pangalawa na po ito for me, pero first ko po na ako ang letter sender. So, nakakatuwa naman po, super blessing po for me. And yung fact po na may naniniwala pala sa kakayanan ko po, nakakataba po ng puso at nakakagana lalo to learn more and improve myself.”

Paano mo pinaghandaan ang character na ginampanan mo rito?

“Nanood po ako ng lahat ng videos ni Hershey sa YouTube. Finollow ko po siya sa IG. Super inobserbahan ko po siya para makita yung mga nuances and mannerisms nya.

“Si Alyanna Angeles po is the young Hershey. Ryle Santiago, si Malick (kapatid), then Aleck Bovick po ang nanay. With Simon Ibarra, Jordan Hwang, Denise Joaquin as the Ate of Hershey po and Celine Lim as the young version ng Ate,” saad pa ni Ria ukol sa casts ng MMK episode nila.

Bukod sa MMK this Saturday, sa Linggo naman ay mapapanood din si Ria sa Wansapanataym.

Ria Atayde/Alyanna Angeles, gagampanan ang kwento ng buhay ng Filipina-born Australian-based entrepreneur na si Hershey Hilado. Abangan ngayong darating na Sabado. #MMK25

Posted by MMK (The Official) on Monday, July 17, 2017

(NONIE V. NICASIO)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..