Sunday 22nd October 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Dapat ay tiba-tiba ang mga kompanyang kukuha sa serbisyo ng magkapatid na anak ng isang sikat at prominenteng personalidad sa bansa pero hindi dahil hirap umanong ibenta ang dalawa.

Ayon sa kwento ng ilang ilang taga-showbiz, bigla na lamang nagba-back-out ang mga katransaksyon ng manager ng magkapatid na celebrity dahil hindi kayang lunukin ang inilalako nilang deal.

Ang siste kasi kapag kinuha ang serbisyo ng isa ay awtomatikong kukunin din ang kapatid nito.
Pero ang reklamo ng mga kumukuha sa serbisyo ng magkapatid,hindi talaga artistahin ang isa.

Ang sabi pa kahit anong retoke ang gawin ay hindi mabebenta ang isa dahil sa hindi talaga kaaya-ayang hitsura.

Ang resulta, laging nababalewala ang mga proyektong dapat ay para sa isang anak sapagkat nadadamay ito sa binuong kasunduan ng kampo ng magkapatid.

May ilan man umanong nakalusot na proyektong magkasama ang magkapatid pero sapilitan lang umano ang pangyayari katulad ng kahiyaan na lamang sa may-ari ng eendorsong produkto ng magkapatid.

Ang matindi pati sa mga TV guestings ay nahihirapan ang mga kumukuha sa serbisyo ng magkapatid dahil kapag isasalang na ay tinatanggihan ang isa sapagkat walang pumasang magandang rehistro ng mukha sa screen.

Kaya kahit pasado na ang isa ay inaayawan na lamang sila kung hindi man ay kung anu-anong palusot ng mga crew ng isang TV show para lamang hindi mapahiya ang isa at lumabas na walang K ito sa telebisyon.

Sino sila? Mula sa mayamang angkan ang magkapatid pero hindi natin alam kung bakit kailangan pang mag-showbiz gayong hindi naman pang-showbiz ang mukha ng isa.

(Edna Charum)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..