Wednesday 13th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Ang suwerte ng magulang sa showbiz ay hindi parating naipapasa sa anak lalo na kung kinapos o nasobrahan ng talent.

Tulad nitong anak ng sumikat na mag-asawang artista cum singer na maski na anong gawin nila sa showbiz ay hindi sila tanggap ng masa. Hindi katulad ng magulang nila noon na unexpected ang pagsikat maski nagkasama lang sa isang show.

Marahil naramdaman ng anak ng mag-asawang artista cum singer na hindi siya ‘belong’ sa industriya ng magulang kaya nag-iba ng direksyon sa buhay, sinubukang mag-direk ng kung anu-ano pero hindi pa rin pinapansin.

Dahil sa koneksyon ng magulang kaya siguro napasok sa isang programa pero behind the scene siya dahil isa siya sa creative staff kaya wala ring balita sa kanya.

Sa totoo lang, maraming talent ang anak ng mag-asawang artista cum singer at sa rami, hindi makapag-concentrate kung ano ang gustong gawin.

Feeling namin isa rin sa dahilan kaya hindi siya bagay sa harap ng camera kasi hindi niya namana ang magandang looks ng magulang niya.

(Reggee Bonoan)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..