Sunday 20th August 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Itinuturing na ‘best father’s day’ gift ng aktor na si Albert Martinez ang balitang malapit na itong magkaapo sa anak na si Alyanna.

Ayon kay Albert nang kapanayamin sa isang radio station kahapon kasabay ng father’s day celebration ay may tinanggap umano siyang masayang mensahe mula sa anak.

“Actually, this is the best Father’s Day celebration and the best Father’s Day gift na nakuha ko ever. I received a gift from Alyanna in a box. When I opened it, I saw a note, and then I saw a bib,” pagkukuwento ng beteranong aktor.

Maliban kay Albert isa ring masaya sa father’s day ay ang mister ng aktres na si Karel Marquez-Fariñas.

Sa mismong father’s day kinumpirma ni Karel ang pagbubuntis na labis na ikinatuwa ng mister nitong si Sean Fariñas.(Edna Charum)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..