Wednesday 23rd August 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Binalewala ni Prince William ang royal protocol nang yakapin nito ang isa sa mga biktima ng west London fire na kanyang binisita noong Biyernes.

Alinsunod sa royal protocol, hanggang sa pakikipagkamay lamang ang pinapayagan subalit si Prince William mismo ang lumabag dito nang yakapin niya ang isa sa matandang biktima na umiiyak.

Si Prince William at ang kanyang lola na si Queen Elizabeth II ay magkasamang bumisita sa isang crisis center na para sa mga biktima ng Grenfell Tower fire na sa pinakahuling tala ay may death toll na 58 katao.

Sa kanilang unannounced tour sa naturang lugar, nagtungo ang mag-lola sa Westway Sports Centre na malapit lang sa nasunog na tower. Dito nakipagharap sina Queen Elizabeth at Prince William sa first responders na mula sa Emergency Services gayundin sa mga apektadong residente at community representatives.

Bukod sa personal na pagbisita, nagbigay agad ng donasyon sina Prince William, Princess Kate at Prince Harry para ipantulong sa mga pamilyang nawalan ng tahanan at namatayan sa naturang trahedya.

“The tragedy at Grenfell Tower has left a number of local people in need of urgent assistance,” ayon sa statement ng Kensington Palace. “The Duke and Duchess of Cambridge and Prince Harry are pleased the Evening Standard’s Dispossessed Fund has immediately swung into action. As residents of the local area they are keen to offer their immediate support.” (NEWSKO DESK)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..