Thursday 19th October 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Kanya-kanyang style ng pagpaabot ng pagbati sa kanilang mga tatay ang mga news reporters na naka-assign ngayon sa Marawi.

Sa Instagram na lang muna ipinadala ng mga GMA reporters na sina Jun Veneracion at Emil Sumangil at ABS-CBN reporter Chiara Zambrano ang kanilang Father’s Day message.

Sa IG post ni Jun, makikita ang Kapuso reporter na kasama ang kanyang team na nagko-cover rin sa Marawi: “Mula rito sa Marawi, kami ay bumabati ng maligayang araw ng mga ama sa ating lahat.(pasensya na mahirap ngumiti kapag nasa lugar na sadlak sa krisis)”

Si Emil naman, nag-post ng photo kasama ng ibang myembro ng media habang nasa tabi sila ng tangke ng Philippine Army, “Happy Father’s day!!! More prayers for Marawi. #teamwendy #soldierofgod #511tactical #philmarines”

Naging emosyonal naman si Chiara sa kanyang IG post kung saan niya ipinakita ang kalagayan ng mga sundalong ama na nakikipaglban sa gitna ng mga kaguluhan doon, “Libu-libong anak ang malayo ngayon sa kanilang mga tatay. Libu-libong tatay ang ni walang oras mangulila dahil abala sa pagdepensa sa sarili at pag-panalo ng digmaan. Ang iba namang mga tatay, sila ang nasa bahay, walang maitulong sa gyera kundi dasal, walang ma-alalay sa kanilang anak kundi tibayan lang din ang sarili nilang loob. At dahil sa digmaan sa Marawi, ang ilan sa mga tatay at anak, hindi na magkikita pang muli. Father’s Day… Is Heroes’ Day. (📸: Scout Rangers)”

Happy Father’s day!!! More prayers for Marawi. #teamwendy #soldierofgod #511tactical #philmarines

A post shared by Emil Sumangil (@emil_sumangil) on

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..