Sunday 20th August 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

HINDI lang isa kundi tatlong awitin ni Jona ang pumasok sa unang Billboard Philippines Top 20 Charts, ang Pusong Ligaw, Maghihintay Ako, at You.

Ayon sa Kapamilya singer, “ang wish ko lang sana makasama ang isa sa songs ko. Sobrang thankful ako na tatlong songs ko ang nakapasok sa Top 20. Thankful ako sa mga taong patuloy pa rin na nakikinig sa mga kanta ko.”

Ang kanyang rendition ng PusongLigaw ang pinakawagi sa BillboardPH Charts dahil nakamit nito ang no.3 ranking. Ito ay kasalukuyang theme song ng ABS-CBN teleserye na may parehong titulo.

Nasa no. 6 naman ang awitin ng Birit Queen member na Maghihintay Ako. Ito ay una niyang inawit para sa Himig Handog P-Pop Love Songs noong 2016.

Ang kanyang kantang You, na bahagi ng My Ex and Whys movie soundtrack ay hindi rin nagpahuli at nakamit nito ang no. 9 ranking.

Lahat ng awiting ito ay bahagi ng self-titled album ni Jona na inilunsad noong Pebrero, ang kanyang unang album sa ilalim ng Star Music.

Ang BillboardPH Top 20 ay kinikilala ang mga paboritong awiting lokal base sa listenership at purchases data mula sa iba’t ibang platforms.

Ayon sa Billboard.PH, nira-rank ang mga kanta base sa datos na nanggagaling sa streaming activities sa Spotify, Apple Music at Youtube. Kasama rin dito ang download sales data mula sa Apple iTunes. Katulong naman ang Nielsen Music para mabuo ang listahan ng mga nangungunang awitin.

Para sa karagdagang detalye tungkol sa album ni Jona, sundan ang Star Music sa official social media accounts at Facebook.com/starmusicph, Twitter.com/starmusicph, and Instagram.com/starmusicph.

(Krissy Dimayuga)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..