Wednesday 28th June 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

First time nakatrabaho ni Richard Quan ang Megastar na si Sharon Cuneta.

Magkasama ang dalawa sa pelikulang Ang Pamilyang Hindi Lumuluha ni Direk Mes De Guzman. Ang naturang pelikula ay isa sa entry sa darating na Cinemalaya 2017.

Ano ang role niya sa pekikulang ito?

“Ako yung asawa ni Sharon na babaero rito,” nakangiting saad ni Richard.

Dagdag pa niya. “Hindi ko lang siya first time nakatrabaho, first time ko rin siyang ma-meet sa shooting nito. Sa tagal ko na sa industriya, never kaming nagkita, hindi ko siya na-meet.

“Noong magkaron ako ng chance na baka makuha ko yung role, binigyan ko talaga siya ng time. Ipinaramdam ko talaga sa director ko na, gusto ko yung project. Two things, one yung reputasyon niya, ni Direk Mes De Guzman. I heard about his reputation na maayos siya magdirek, ‘tsaka ano siya, hindi conventional, hindi pang karaniwan yung ginagawa niya.

“Of course Sharon nga, the Sharon factor-dalawang bagay. Naging tatlo na lang yun nang mabasa ko yung materials. So bago ko man banggitin, iyon yung tatlong reasons kung bakit priority ko itong project na ‘to after nung dalawa,” saad pa ni Richard ukol sa dalawang movie pa niya na pinamagatang Spider’s Man with Direk Ruben Maria Soriquez at Citizen Jake ni Direk Mike de Leon.

Patuloy pa niya, “Kasi kakaiba yung material eh, it’s a dark comedy na hindi siya yung usual na dark comedy, hindi usual Sharon Movie. Sabi ko nga, ang tingin ko nga roon sa materials, either you’ll love it or you’ll hate it lang. May mga ganoon di ba. Kaya very happy ako na nagawa ko yung project na yun.”

Aminado rin si Richard na noong simula ay na-intimidate raw siya kay Sharon.
“Tapos noong first scene namin ni Sharon siyempre may kaunting intimidation, medyo fan ako eh, fanboy ako eh. Siyempre noong lumalaki ako ‘no, si Sharon yun eh, fan ako ni Sharon. ‘Tsaka Megastar yun.

“Alam mo noong first time kong na-meet si Sharon, malayo pa lang parang first time na mami-meet ko na siya, pinagpapawisan ako. Maririnig mo yung halakhak niya, yung halakhak pa lang mare-relax ka na, eh.

“When I approached her, nagpakilala ako… kasi mararamdaman mo sa tao yun eh, tayo mararamdaman natin kung totoo, kung warm o hindi. Mararamdaman mo yung warm na pagtanggap niya, so na-relax na ako roon.

“So, bilang propesyonal na aktor, on a personal level, memorable yung experience.
Kasi maayos silang katrabaho eh, from Direk Mes to Sharon, magaan eh. Magaan yung set. Yun ang word of the day for Pamilya… sobrang gaan.”

Pero si Sharon, paano mo ide-describe bilang artista?

“Magaling si Sharon!” Bulalas ni Richard. “Kasi improvisation di ba? Ang huling experience ko rito sa buong movie na nag-impromptu kami… Ang galing ni Sharon. Amazing! Hindi ko alam kung gusto niya yung role, bagay sa kanya yung role pero ang galing magbitaw ng ano, yung timing? Improvisation lang kami, ako nga naiiwan e. Noong una naiiwan ako… Tsaka warm, warm person siya.

“Kaya I think, kakaiba ang movie na ito. It’s something to look forward to.” (NONIE V. NICASIO)

Latest    Trending    News

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..