Thursday 19th October 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Ang daming nagtatanong sa amin kung bakit inalis na sa FPJ’s Ang Probinsyano ang karakter ni Xymon Ezequiel Pineda o mas kilala bilang si Onyok.

Lagi naming sagot ay, ‘pasukan na, baka hindi kayang pagsabayin ang school at showbiz.’Sabay biro namin, ‘siya kasi ang gaganap na Ding sa Darna.’

Maging ang mga kaibigan at kaanak namin sa ibang bansa na avid followers ng FPJ’s Ang Probinsyano ay ito rin ang tanong.

Nagtanong kami sa production kung si Onyok ang gaganap na Ding at baka pinagpapahinga lang kaya inalis na sa serye nina Coco Martin at sinagot kami ng, “hindi siya. Magpapa-audition pa, gusto bagong mukha,” sabi n gaming source.

Kung gayun, anong dahilan bakit inalis kaagad si Onyok sa FPJAP?

Mabuti na lang at nakakaaliw panoorin sina Paquito, Dang at Ligaya plus MakMak, pero iba raw kapag nasa eksena si Onyok.

Samantala, patuloy pa ring umaarangkada sa ratings game ang FPJ’s Ang Probinsyano dahil sa mainit na kuwento nito na ayon sa mga nangyayaring kaguluhan ngayon tungkol sa terorismo.

May tanong din sa amin kung kakampi o kalaban sina John Arcilla, Sid Lucero at Angel Aquino ni Cardo Dalisay (Coco). (Reggee Bonoan)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..