Sunday 20th August 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

One year in the making na ang horror movie ng Starcinema na may titulong Bloody Crayons na idinidirek ni Topel Lee na minana niya kina direk Quark Henares at Enrico Santos.

Ikatlong direktor na si Topel ng Bloody Crayons na ang una ay si Quark na hindi natuloy dahil mas pinili niyang tapusin ang My Candidate nina Derek Ramsay at Shaina Magdayao.

Si Enrico naman ay malamang sobrang busy sa pagsusulat ng script kaya hindi niya kayang matapos sa deadline na itinakda ng Starcinema.

Kaya ang ending si Topel na ang humawak ng Bloody Crayons na mala-Scream ang peg na pagbibidahan nina Janella Slavador, Elmo Magalona, Jane Oneiza, Maris Racal, Empoy, Ronnie Alonte, Diego Loyzaga at Sofia Andres.

Mukhang mahirap ang nararanasan ng cast sa shooting ng pelikula dahil may mga minor accident na nangyayari na hindi na lang ipinapaalam maliban kay Janella na aksidenteng tinamaan ng harness na bakal na pinost kaagad ng handler niya.

Kaagad namang naagapan ang namuong buko sa ulo ni Janella nu’ng dalhil siya sa hospital.

Nakausap naman ng ABS-CBN news ang aktres at kuwento niya, “we were filming kasi with harness. I have a bukol here right now, natago lang ng make-up. Nasagi ako ng harness and it’s made out of metal. Di ko nga napansin na may bukol ako until they told me na, ‘Ano ‘yan?’

Wala sa set si Elmo nu’ng mangyari ang aksidente dahil wala naman siyang eksena kaya naan todo-todo ang pagalala nito sa ka-loveteam.

Sabin g aktor, “kung may shooting lang ako kahapon kiniss ko na lang para mawala yun, I was really worried. Konti na lang pupunta na ako sa set talaga.

“Gusto ko ngang pumunta sa set agad, e, para lang makita kasi she told me. Siya mismo nagsabi sa akin na may nangyari sa eksena nila.

“Akala ko noong una, make-up siya kasi di ba, nowadays mukhang totoo na yung make-up. So nu’ng pinakita niya akala ko make-up, yun pala it was really an injury.”

Kuwento naman sa amin ng taga-production ay hindi maiiwasan ang mga ganu;n insidente dahil maraming props sa set. (Reggee Bonoan)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..