Wednesday 28th June 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Nanganak na umano si Beyonce!

Base sa mga naglabasang balita, ipinanganak na ang kambal nina Beyonce at Jay Z sa UCLA Medical Center sa Los Angeles.

Magugunitang unang ini-announce ni Beyonce na buntis siya sa kambal noong February.

Wala pang kumpirmasyong ipinalalabas ang kampo nina Beyonce at Jay Z subalit ilang araw nang naispatan sa labas ng ospital ang mga security vehicles ng mag-asawa.

Noon namang Biyernes isang hindi kilalang babae na papasok sa naturang ospital ang nakuhanan ng picture na may dalang malaking bouquet ng pink, purple at blue flowers na may dalawa pang baby foot-shaped pink at blue balloons na may na nakasulat na “Baby Boy” at “Baby Girl”. Sa card ay may nakalagay na “B+J” kaya ipinapalagay na ang mga bulaklak at balloons ay para sa kambal ni Beyonce. (NEWSKO DESK)

Latest    Trending    News

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..