Thursday 19th October 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Palaisipan sa amin kung nagkabalikan na sina Cavite Vice Governor Jolo Revilla at ang aktres na si Jodi Sta. Maria dahil nag-post ang una ng, “to my partner and bestfriend, thank you for inspiring me everyday, you’re really a woman of purpose. Always stay humble and continue to inspire others as well. Happy Birthday! I love you!”

Naka-chat namin si Jolo at tinanong namin kung sila na ulit ni Jodi pero sinagot kami ng, “hindi pa po.”

Sabi namin kaagad, ‘kung hindi pa bakit ninyo po tinawag na partner?’ At hindi na kami sinagot ng bise gobernador.

Sabi namin na sana sila na ulit dahil matagal na sila at marami na rin silang pinagsamahan sa hirap at ginhawa. (Reggee Bonoan)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..