Sunday 20th August 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Marami na naman ang pinabilib ni Paolo Ballesteros sa kanyang extra ordinary na husay sa pag-transform sa iba’t ibang klase ng katauhan ng sikat na celebrities. Ang latest na transformation na ginawa ni Paolo ay bilang si Wonder Woman, na mismong si Gal Gadot na bida sa current hit movie na ito ang nakapansin sa galing ni Paolo.

Makikita sa Facebook post ni Paolo na kuhang-kuha niya ang Wonder Woman fierce look ni Gal, with matching tiara at metal bracelets pa.

Actually, sa sobrang pagkabilib ng Hollywood actress kay Paolo ay ni-repost ni Gal sa kanyang social media account ang Wonder Woman make-up transformation ng Kapuso aktor.

Ito ang post ni Gal sa kanyang Twitter account na naka-tag si Paolo, “Wow! This is incredible @pochoy29 Bravo #WonderWoman.”

Na ang tanging naging reaction lang ni Paolo ay: “😱🙈👊🏼👊🏼😘❤️ wow! 😁😁😁”

Samantala, ang Facebook live transformation ni Paolo ay nakakuha ng higit one hundred thousand views. Ang FB account naman ni Gal ay nagkaroon ng higit 2.3 million views. Sa Instagram account naman ni Gal ay umabot ito ng higit 1.6 million views.

Bago ang Wonder Woman transformation ng talented na Eat Bulaga Dabarkads, kabilang sa mga kilalang celebrities na ginaya ni Paolo sina Julia Roberts, Beyonce, Miley Cyrus, Ariana Grande, Kristen Stewart, Rihanna, Madonna, Megan Fox, Angelina Jolie, Michelle Obama, Katy Perry, Taylor Swift, Britney Spears, Lady Gaga, at iba pa.

Ang ilan naman sa mga local celebrities na ginaya ni Paolo ay sina Vic Sotto, Regine Velaquez, Pia Wurtzbach, at Jinkee Pacquiao.

Bunsod ng galing na ito ni Paolo, pati sa International media ay kinikilala ang pambihirang talent niyang ito.

(NONIE V. NICASIO)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..