Wednesday 13th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Balitang tsinugi na ng kampo ni Alden Richards ang kanyang stylis pagkatapos niyang ipahamak ang actor sa MEGA Millennial Ball.

Balitang stylist din ito ni John Lloyd Cruz. Nag-decide agad sila na last na ‘yun.

Kahit ang personal niyang manager na si Carlites De Guzman ay na-bad trip sa nangyari.

“Kaya galit na galit ako nu’ng isang gabi, eh. Sabi ko, hindi pinag-isipan. Ginawa siyang kawawa. Wala lang choice si Alden kasi mas worse pa ‘yung ibang damit na pagpipilian,” sambit ni Carlites.

Nakakaloka ang inabot na panlalait sa outfit ni Alden sa social media. Negative ang feedback at sinasabing worst dressed ang Pambansang Bae sa naturang okasyon.

Tinalbugan pa raw siya ng mga male starlet at hindi kasikatan.

Hindi bumagay sa formal event ang ipinasuot kay Alden. Bagamat ipinagmamalaki ng stylist niya na
“Less is more”. Nasobrahan sa less kaya si Alden ang napahamak.

Lagi namang well-dressed si Alden pero ngayon ay pumalpak ang stylist niya. Hindi raw kayang protektahan ng kaguwapuhan at kasikatan ni Alden ang ipinasuot sa kanya.

Pero todo pa rin sa pagdepensa ang AlDub Nation sa kanya. kahit ano raw ang ipasuot kay Alden ay carry niya. Wala raw isyu kung bagay o hindi ang damit ni Alden dahil ang importante ay kumportable siya.

Kahit ano raw ipasuot kay Alden branded man o ukay ukay ay kaya niyang dalhin.

(Roldan Castro)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..