Wednesday 13th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Ang tindi ng kumpetisyon ng dalawang ex-PBB winners na sina Maymay Entrata at Kisses Delavin dahil hanggang sa labas ng Bahay ni Kuya ay giyera pa rin ang kanilang mga tagahanga.

Sa katunayan sa pagdalo nina Maymay at Kisses sa 25th anniversary ng MegaStyle PH kung saan kapwa imbitado ang dalawa at kapwa bongga ang mga kasoutan kasama ang kani-kanilang mga ka-loveteam ay nanaig pa rin ang kumpetisyon.

Pinagkukumpara ng kanilang mga fans kung sino ang mas outstanding sa sout na gown.
Ayaw ding magpatinag ng bawat kampo sa paramihan ng likes at comment.

Para manaig ang kanilang mga idolo ay may kampanyang nangyayari para mas dumami pa ang likes ng kanilang mga idolo.

Epektibo naman ang ginagawa ng kanilang mga tagahanga dahil ang dalawang bagets kasama ang kanilang mga kaloveteam na sina Edward Barber at Marco Gallo ang may pinakaraming likes.

Pinataob ng mga newbies sa showbiz ang dating mga sikat sa social media na sina Anne Curtis, Nadine Lustre, Pia Wurztbach at marami pang iba.

(Newsko Desk)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..